Quality and Affordable Ultrasound Services, Available sa Meijia

Kapag sinabing ultrasound, madalas ang unang pumapasok sa isip natin ay pregnancy ultrasound. Pero alam mo ba na ginagamit din ang ultrasound para masuri ang iba’t ibang bahagi ng katawan at makatulong sa pagtukoy ng posibleng health concerns?

Mula sa tiyan at kidneys hanggang sa breast, may iba’t ibang uri ng ultrasound depende sa kung anong bahagi ng katawan ang kailangang suriin.

Sa Meijia Diagnostic and Wellness Center, available ang iba’t ibang ultrasound services na quality at abot-kaya, para mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa kinakailangang diagnostic services.

MGA ULTRASOUND SERVICES SA MEIJIA

🔹 Whole Abdomen Ultrasound — ₱2,900
Para sa pagsusuri ng mga pangunahing organs sa tiyan gaya ng atay, gallbladder/apdo, lapay, pali, kidneys at urinary bladder. Makakatulong ito sa pag-check ng mga posibleng gallstones, fatty liver, cysts at iba pang abnormalities.

🔹 KUB (Kidneys, Ureters, Bladder) — ₱2,530
Nakatuon sa kidneys at urinary bladder. Maaaring irekomenda kung may pananakit ng tagiliran, problema sa pag-ihi, o kailangang tingnan kung may kidney stones o ibang abnormalidad.

🔹 HBT (Hepatobiliary Tree) — ₱2,530
Para sa pagsusuri ng atay, gallbladder at bile ducts. Maaaring makatulong sa pag-check ng gallstones, pamamaga, o iba pang problema sa daluyan ng apdo.

🔹 Breast Ultrasound — ₱2,530
Ginagamit para masuri ang bukol, pamamaga, o iba pang pagbabago sa breast tissue. Maaari itong irekomenda ng doktor depende sa iyong sintomas o resulta ng physical examination.

At marami pang ibang ultrasound services ang available sa Meijia!

Kaya kung may napapansin kang kakaiba, may nararamdaman kang sintomas, o may ultrasound request mula sa iyong doktor, huwag nang ipagpaliban ang pagpapasuri.

Dahil ang ultrasound ay hindi lang para sa pregnancy—mahalaga rin itong diagnostic tool para sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

At sa Meijia, ginagawa naming mas accessible at mas abot-kaya ang diagnostic services para sa iyo at sa iyong pamilya.

May tanong tungkol sa ultrasound services, presyo, preparation, o appointment?
Makipag-ugnayan sa Meijia Diagnostic and Wellness Center ngayon.

Magpa-check. Magpa-ultrasound. Mas mabuting malaman nang maaga.

☎️ Landline: (02) 7116 3698
📞 Mobile: 0962 637 9219
📩 Email: info@meijiahealth.com

Leave a comment