Ngayong Diabetes Awareness Month, hinihikayat ng Meijia Diagnostic and Wellness Center ang publiko na maging mas mapagmatyag sa kanilang blood sugar levels at kalusugan sa pamamagitan ng regular na laboratory testing at health screening.
Hindi lahat ng sakit ay agad nagpapakita ng sintomas. Isa na rito ang diabetes, isang kondisyon na maaaring unti-unting makapinsala sa puso, bato, mata, at mga ugat kapag hindi natutukoy at nakokontrol sa tamang panahon.
Ayon sa International Diabetes Federation (IDF), tinatayang 4.7 milyong adults sa Pilipinas ang may diabetes noong 2024, katumbas ng 7.5 porsiyento ng adult population. Mas nakababahala, ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 43,690 ang naitalang namatay dahil sa diabetes mellitus noong 2024, kaya kabilang ito sa ikalimang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa.
Hindi dapat balewalain ang mga numerong ito. Maraming tao ang maaaring mayroon nang mataas na blood sugar nang hindi nila nalalaman, lalo na kung hindi regular na nagpapasuri.
Bilang bahagi ng adbokasiya nitong palakasin ang preventive healthcare, itinatampok ng Meijia Diagnostic and Wellness Center ang kanilang Chem 10 Laboratory Package, na makatutulong sa pagsubaybay sa mahahalagang blood chemistry indicators bilang bahagi ng regular na pagsusuri sa kalusugan.
Huwag hintaying magkaroon ng sintomas bago kumilos. Ang regular na pagpapasuri, kasabay ng tamang pagkain, aktibong pamumuhay, at konsultasyon sa doktor, ay mahahalagang hakbang upang maiwasan o makontrol ang mga komplikasyon ng diabetes.
Ang kalusugan ay hindi dapat ipinagpapabukas. Magpasuri habang maaga.
Para sa inquiries at appointment bookings, makipag-ugnayan sa:
Meijia Diagnostic and Wellness Center
☎️ Landline: (02) 7116 3698
📞 Mobile: 0962 637 9219
📩 Email: info@meijiahealth.com
Healthcare that comes from the heart.

Leave a Reply