Meijia naghatid ng serbisyong pangkalusugan sa 72 residente sa Barangay Santol, Quezon City

QUEZON CITY – Mas inilapit ng Meijia Diagnostic & Wellness Center ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng isinagawang Community Medical Mission sa Barangay Santol, Quezon City, na nakapagsilbi sa kabuuang 72 residente, karamihan ay mga senior citizen.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na maasikaso ang kanilang kalusugan at matugunan ang kanilang mga pangangailangang medikal nang hindi na kinakailangang lumayo sa kanilang komunidad.

Kabilang sa mga karaniwang kondisyong natukoy sa mga naging pasyente ang altapresyon (hypertension), mataas na antas ng taba sa dugo (hyperlipidemia), at diabetes. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng regular na pagpapatingin, pagsusuri, at pagsubaybay sa kalusugan, lalo na para sa mga nakatatanda.

Ayon kay Meijia Clinic Manager Mark Vryan Puyaoan, higit pa sa pagbibigay ng serbisyong medikal ang layunin ng kanilang mga medical mission dahil nais nilang maipadama sa bawat mamamayan na mahalaga ang kanilang kalusugan at hindi sila dapat mapag-iwanan pagdating sa pangangalagang medikal.

“Naniniwala kami na ang bawat isa, anuman ang edad at kalagayan sa buhay, ay nararapat makatanggap ng serbisyong pangkalusugan na may malasakit. Hindi dapat maging hadlang ang layo o kakulangan sa pagkakataon upang mapangalagaan ng isang tao ang kanyang kalusugan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, nais naming mas mapalapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad at mas marami pa kaming matulungang mamamayan,” ani Puyaoan.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Meijia sa mga residente ng Barangay Santol na nakiisa sa aktibidad, gayundin sa mga opisyal ng barangay sa kanilang tiwala, mainit na pagtanggap, at pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang programa.

Kinikilala rin ng klinika ang dedikasyon at sakripisyo ng mga doktor, medical personnel, at lahat ng kawani at indibidwal na naglaan ng oras, lakas, at kakayahan upang maisakatuparan ang medical mission.

Umaasa ang Meijia na mas marami pang komunidad ang kanilang maaabot at matutulungan sa pamamagitan ng mga susunod na medical mission at iba pang programang pangkalusugan.

Hinihikayat din ang publiko na bumisita sa Meijia Diagnostic & Wellness Center upang malaman ang iba pa nitong serbisyong medikal at pangkalusugan, kung saan bawat pasyente ay tinatrato nang may pag-unawa, pag-aalaga, at malasakit.

Meijia Diagnostic & Wellness Center
We provide healthcare that comes from the heart.

Para sa mga katanungan at appointment:

📍 Ground Floor, Commercial 1 & 2, Sky I Tower, #68 Dasmariñas St., Brgy. 282, San Nicolas, Binondo, Manila

☎️ Landline: (02) 7116-3698
📞 Mobile: 0962-637-9219
📩 Email: info@meijiahealth.com

Leave a Reply