Habang papalapit ang Kapaskuhan, marami na ang nag-iisip kung paano gugugulin ang mahabang weekend—kung saan mamamasyal, sino ang makakasama, at ano ang mga paghahandang kailangang gawin para sa nalalapit na Pasko.
Ngunit bago tuluyang magplano ng mga lakad at holiday gatherings, may isa pang mahalagang bagay na dapat isama sa inyong checklist: ang inyong kalusugan.
Sa gitna ng abalang paghahanda para sa Pasko, mahalagang huwag ipagwalang-bahala ang mga senyales na ipinapakita ng ating katawan. Ang regular na health checkup at mga kinakailangang laboratory test ay makatutulong upang masubaybayan ang inyong kondisyon at maagapan ang mga posibleng problemang pangkalusugan.
Sa Meijia Diagnostic and Wellness Center, naniniwala kami na mas masaya ang Kapaskuhan kung ang bawat isa ay nasa mabuting kalagayan. Kaya naman, habang nagbibilang tayo ng mga araw bago ang Pasko, isama rin sa inyong mga plano ang pag-aalaga sa sarili.
Gawing bahagi ng inyong holiday preparation ang pagiging healthy. Dahil ang pinakamagandang regalo na maibibigay ninyo sa inyong sarili at pamilya ay ang kalusugang magbibigay-daan upang mas lubos na ma-enjoy ang bawat sandali.
Meijia Diagnostic and Wellness Center — Healthcare that comes from the heart.
Bisitahin kami! Bukas ang Meijia pitong araw sa isang linggo.
Para sa mga katanungan at appointment:
☎️ Landline: (02) 7116 3698
📞 Mobile: 0962 637 9219
📩 Email: info@meijiahealth.com
📍 Ground Floor, Commercial 1 & 2, Sky I Tower, #68 Dasmariñas St., Brgy. 282, San Nicolas, Binondo, Manila
Open 7 days a week.

Leave a Reply